^

Metro

Kuta ng ‘Boratong drug group’, sinalakay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumalabas ngayon na tuloy pa rin ang operasyon ng mga nalalabing miyembro ng “Boratong Drug Group” makaraang muling salakayin ng Eastern Police District (EPD) ang sikat na shabu tiangge sa Pasig City.

Kinumpirma mismo ni EPD Director, Chief Supt. Miguel Laurel ang pagbabalik operas­yon ng mga tauhan umano ni Amin Imam Boratong makaraang salakayin ang shabu tiangge sa Mapayapa Compound, Brgy. Sto. Tomas, na halos nasa likod lang ng Pasig City Hall nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Laurel, isang impormante ang nagboluntaryong nagbigay ng impormasyon sa iligal na operasyon ng pamangkin ni Boratong na si Joey Mamon sa droga at posesyon ng malalakas na kalibre ng baril.  Ipinakita pa ng impormante ang post sa Facebook ni Mamon na may hawak na AK-47 assault rifle.

Isang buwang trinabaho ng EPD Intelligence Unit ang impormasyon hanggang sa makumpirma ang pagbabalik sa operasyon ng Boratong Group.

Armado ng search warrant na inilabas ni Judge Marino dela Cruz, ng Manila Regional Trial Court Branch 22, sinalakay ng 124 pulis ang compound nitong nakaraang Linggo ng hapon.

Namonitor naman umano agad ng sindikato ang pag­dating ng mga pulis sa naka­kabit na “closed circuit tele­vision camera (CCTV)” sa bukana ng compound kaya nagawang makatakas ng kanilang mga target na sina Mamon, Acsamen Boratong, alyas Mac-mac, at Aleman Boratong, alyas Boy Negro.

Narekober sa bahay nina Boratong at Boy Negro ang isang AK-47 rifle, isang .9mm pistol, isang kalibre .45 pistol, iba’t ibang bala, ilang pakete ng shabu na nasa loob ng mga motorsiklo na idideliber na umano sa mga buyers, mga paraphernalias, dalawang handheld radyo, isang smoke bomb, isang binocular, mga pampasabog at apat na cellular­ phones.

Ang grupo umano ang nagsusuplay ng shabu hindi lang sa Pasig ngunit sa mga karatig-lungsod at bayan sa Rizal. Iniimbestigahan din ang ulat na ang grupo ang nasa likod sa pamamaslang sa ilang katao sa lungsod na mga karibal nila sa operasyon ng iligal na droga.

Ipinag-utos na ni Laurel ang manhunt sa mga pamangkin ni Boratong at kay Mamon.  Isang imbestigasyon na rin ang iniutos nito ukol sa ulat na naglalabas ng P50,000 lingguhang protection money ang mga Boratong sa mga kontak sa pulisya.

Matatandaan na unang nakilala ang shabu tiangge noong 2006 sa ginawang pagsalakay ng PNP kung saan higit sa 100 katao ang nadakip at nasa 300 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga barong-barong na ginagawang drug den ng mga adik.

 

vuukle comment

ACSAMEN BORATONG

ALEMAN BORATONG

AMIN IMAM BORATONG

BORATONG

BORATONG GROUP

BOY NEGRO

ISANG

MAMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with