^

Metro

Tinga no-show sa peace covenant signing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadismaya ang mga organizer ng peace covenant signing  ng mga kandidato na isinagawa sa St. Anne Parish Church sa Brgy. Sta. Ana, Taguig noong Biyernes matapos na hindi siputin ng ilang kandidato dahil sa pang-iisnab dito ng ilang kandidato.         

Kabilang sa mga hindi sumipot sa pagtitipon na inor­ganisa ng Philippine National Police (PNP) at ng lokal na COMELEC sina Rebecca Tinga na kumakandidato sa pagka-alkalde, bunsong anak ni dating Supreme Court associate justice Dante Tinga na magugunitang natalo noong labanan sa pagka-alkalde sa Taguig noong 2010 at kapartido nitong si Henry Duenas na tumatakbo sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ng lungsod.

Ayon kay Taguig Chief of Police, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, hinangad  nilang lumagda ang lahat ng kandidato nang sa gayon ay makuha nila ang commitment ng  bawat isa para suportahan ang pagkakaroon ng patas, malinis at maayos na halalan sa Mayo.

Lumahok sa pagtitipon na tinaguriang Peace Co­venant for a Secure and Fair Elections (SAFE) ang mga kinatawan mula sa COMELEC-Taguig, Taguig Police at maging ang election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Ang mga lu­magda sa peace covenant ay nangakong hindi gagamit ng dahas, paninira, pamimili ng boto at pandaraya sa darating na halalan.  

Samantala, tiniyak ni Mayor Lani Cayetano na kanyang tutuparin ang mga nakasaad sa nilagdaan niyang peace covenant.

Si Cayetano ang kasalukuyang alkalde ng Taguig na tumatakbo para sa ikalawang termino na nanguna sa ticket ng Nacionalista Party.

Ayon naman kay Rev. Fr. Jhun Sanchez ng Parish­ Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Diocese of Pasig na siyang nagbigay ng sermon sa misa bago ginawa ang peace covenant signing, mas maganda sana kung kumpleto ang mga kandidato.

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

AYON

DANTE TINGA

DIOCESE OF PASIG

HENRY DUENAS

JHUN SANCHEZ

RESPONSIBLE VOTING

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with