^

Metro

Dalaga tumawid sa killer highway, lasog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lasog ang isang 26-anyos na dalaga makaraang mabundol ng rumaragasang public utility vehicle habang tumatawid sa tinaguriang killer highway, ang Commonwealth Avenue, sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 5, nakilala ang nasawi na si Maybelin Poliarco, empleyado at residente sa Pag-ibig, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ang driver ng PUJ (PBG-529) na si Jeremy Lagua, 20, binata ng Bagong Silang Caloocan City ay kusang sumuko naman sa tanggapan ng TS6.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, malapit sa Don Fabian St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-6:40 ng gabi.

Sinasabing tumatawid ang biktima sa nasabing kalsada habang tinatahak naman ng PUJ na minamaneho ni Lagua ang south-bound lane nang pagsapit sa naturang lugar ay mabundol ng huli ang una.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, bahagyang tumilapon ng ilang metro ang biktima sanhi para mapuruhan ang ulo nito, saka isinugod ng ilang nagmalasakit na residente sa Malvar Hospital, subalit idineklara ring dead-on-arrival.

 

vuukle comment

BAGONG SILANG CALOOCAN CITY

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

DON FABIAN ST.

JEREMY LAGUA

LAGUA

MALVAR HOSPITAL

MAYBELIN POLIARCO

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with