^

Metro

Transport leader itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang lider­ ng isang transport group makaraang barilin nang ma­lapitan sa ulo ng hindi nakikilalang mga suspect sa loob ng compound ng kanilang kooperatiba sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Edito Ruaya, chairman ng Ninoy Aquino International Airport Service Cooperative.

Sa inisyal na ulat, naganap ang krimen dakong alas-5:45 ng umaga sa loob ng compound ng  NAIA Service Co­operative canteen na nasa Dr. A. Santos Avenue, ng na­turang lungsod.

Ayon kay Parañaque Police Chief Sr. Supt. Billy Beltran, dalawang hindi nakilalang lalaki ang pumasok sa compound ng kooperatiba at agad na binaril sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktima habang nasa garahe ito gamit ang kalibre .45 baril.

Agad na tumakas ang mga salarin na posibleng hinihintay ng back-up ng mga ito lulan ng isang motorsiklo.

Nabatid na matagal na umanong nakakatanggap ng mga death threats ang biktima na posibleng may kaugnayan sa pamumuno nito sa kanilang kooperatiba ng mga taxi na bumibiyahe sa ruta ng airport.

Patuloy pa rin naman ngayon ang imbestigasyon sa insidente upang mabatid ang tunay na motibo at mga taong nasa likod ng krimen.

vuukle comment

AYON

BILLY BELTRAN

DR. A

EDITO RUAYA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT SERVICE COOPERATIVE

POLICE CHIEF SR. SUPT

SANTOS AVENUE

SERVICE CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with