^

Metro

Ulo ng vendor, biniyak na parang buko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labas ang utak ng isang 51-anyos na buko vendor nang barilin at saka  itakin  ng nakaalitan sa tapat ng kaniyang stall sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang  si Lolito Tarrayo, ng Lakandula St., Tondo.

Pinaghahanap na ang suspect na kinilalang si Jimmy Bombani, alyas “Jumbo”, 46.

Sa ulat ni PO3 Julieto Malindog,  dakong alas-8:30 ng gabi  nang maganap ang madugong insidente sa harapan  ng buko stall ng  biktima sa Lakandula St., Tondo.

Nabatid na habang nakikipag-usap ang biktima sa isang  Virgilio Bermejo nang dumating ang suspect at pinagbabaril ang una, na nakatakbo naman sa kabila na may tama na ng bala sa katawan, subalit hinabol siya ng suspect na nagawa pang mang-agaw  ng itak sa isa pang buko vendor na ipinangbiyak sa ulo ng biktima nang abutan ito dahil sa pagkadapa.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspect.

 

vuukle comment

JIMMY BOMBANI

JULIETO MALINDOG

KINILALA

LABAS

LAKANDULA ST.

LOLITO TARRAYO

MATAPOS

MAYNILA

VIRGILIO BERMEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with