^

Metro

Nicole ililibing ngayon

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang ihatid ngayon sa kanyang huling han­tungan si Stephanie Nicole Ella, 7, na nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala noong kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa Sanctuario de Paz, Norzagaray sa Bulacan ililibing si Nicole.

Kahapon dinala ang labi ni Nicole sa kanyang paaralan sa Tala Elementary School at sa Lord’s Flock Sanctuary International  para sa necrological services.

Naging madamdamin ang huling pagsilay na ginawa ng kanyang mga guro, kaklase at schoolmate sa labi ni Nicole.

May nag-alay ng bulaklak, may mga sumulat at nagpalipad ng lobo.

Hindi napigilan ng mga paslit na lumuha ng makita ang labi ni Nicole.

Kasabay nito, kasong illegal possession of firearm, and ammunition ang isinampa ng pulisya laban sa isang kapitbahay ng pamilya Ella  kaugnay din sa ginawa nitong pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon.

Si Grene Milo Da, 62, na naninirahan sa likod lamang ng bahay  nina Nicole.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagpaputok umano si Da ng baril noong pagsalubong ng  Bagong Taon na posibleng siyang tumama kay Nicole.

Itinanggi naman nito na nagpaputok siya ng baril, sinabi nito na wala siya sa kanilang bahay noong pagsalubong ng Bagong Taon, nalaman lamang aniya na patay na si Nicole  ng umuwi siya sa kanilang bahay, kung kaya’t wala aniyang katotohanan ang akusasyon sa kanya.

Anim na bala rin ng kalibre .45 ang nakuha sa bahay ni Da at isang deformed fired bullet ng kalibre .45.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

BULACAN

ELLA

FLOCK SANCTUARY INTERNATIONAL

NICOLE

SA SANCTUARIO

SI GRENE MILO DA

STEPHANIE NICOLE ELLA

TALA ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with