^

Metro

RTW trader nilikida

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinabay ng gunman ang ingay ng paputok sa pamamaril laban sa RTW trader sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang napaslang na si Reynold Quezada, 51, ng #135 Steve St. sa nabanggit na barangay.

Ayon kay SPO1 Johnny Mahilum, naganap ang pamamaril sa may harap ng tindahan ng biktima sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Bicol Leyte St. bandang alas-10:15 ng gabi.

Sa salaysay ng ka-live-in na si Susana Camenoz,  ina­asikaso niya ang negosyo nang makarinig ng umuungol sa labas ng kanilang tindahan.

Dahil dito, nagpasya si Susana na usisain kung saan bumulaga sa kanya ang kinakasamang biktima habang umaagos ang dugo sa ulo nito.

Agad na humingi ng tulong si Susana sa mga kapitbahay kung saan ang ilan ay ipinaabot sa pulisya  ang naganap na pamamaril.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BICOL LEYTE ST.

COMMONWEALTH AVENUE

JOHNNY MAHILUM

QUEZON CITY

REYNOLD QUEZADA

STEVE ST.

SUSANA

SUSANA CAMENOZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with