^

Metro

Magtiyo utas sa naka-bonnet

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang magtiyuhin habang da­lawa pa ang nasugatan nang mag-amok ang isang lalaking nakasuot ng bonnet  at magpaputok ng baril sa bisperas ng Pasko sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na si Jayson Yago Esmer, 21, construction worker at tiyuhing si Esteban Calbario Esmer, 46,  karpintero; habang sugatan naman sina Marilyn Esmer, 50, nanay ni Jayson, at kaanak na si Monica Reyes, 15.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, imbestigador sa kaso, ang nag-iisang suspect ay inilarawan na may kapayatan, nakasuot ng bonnet at jacket na kulay pink ay mabilis na tumakas matapos ang isinagawang pagpapaputok ng baril.

Nangyari ang insidente sa harap ng isang bahay sa Kasiyahan Street, kung saan ang pamilya Esmer at ilang kaanak ay nagno-Noche Buena pasado alas-12 ng hatinggabi.

Ilang sandali pa, biglang dumating ang suspect, saka nagbunot ng kanyang baril at pinagbabaril ang magtiyuhin, habang tinamaan naman ng ligaw na bala ang dalawang babae.

Si Jayson ay naisugod sa Malvar General­ Hospital, pero hindi na umabot ng buhay, ganap­ na alas-2:15 ng madaling-araw, habang si Esteban ay idineklara namang dead-on-arrival sa may East Avenue Medical Center, ganap na alas-2:27 ng madaling-araw.

Sinabi ni Pittong, iniimbestigahan pa nila ang motibo ng nasabing pamamaril sa mga biktima. Narekober naman ng awtoridad sa lugar ang limang basyo ng bala ng 9mm at depormadong slug nito.

vuukle comment

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ESTEBAN CALBARIO ESMER

JAYSON YAGO ESMER

KASIYAHAN STREET

MALVAR GENERAL

MARILYN ESMER

MONICA REYES

NOCHE BUENA

RHIC ROLDAN PITTONG

SI JAYSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with