^

Metro

Binata pumalag sa parak, utas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang binata matapos makipagbarilan sa isang  pulis sa Caloocan City kamakalawa ng  kagabi.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Joven John Rarugal, 20, ng Adelfa St., Bagong Barrio ng lungsod na ito  sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Nasa custody naman ng Caloocan City Police  si SPO2 Venancio Santiago, 45,  ng D. Arellano St., Bagong Barrio ng nabanggit na  lungsod at nakatalaga sa District Special Operation Unit ng Northern Police District.

Ayon sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi  sa nabanggit na lugar.

Nauna rito, nagkaroon umano ng enkwentro  sa pagitan ng dalawang grupo kabilang ang biktima. Dahil sa tawag ng tungkulin lumabas si Santiago upang alamin ang nagaganap na kaguluhan.

Nakasalubong ni Santiago  si Rarugal na may dalang pen gun na naging dahilan upang sitahin ng una,  subalit nagpaputok ang huli.Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang pulis na ikinabulagta ni Rarugal.

vuukle comment

ADELFA ST.

ARELLANO ST.

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

JOVEN JOHN RARUGAL

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with