^

Metro

Matandang binata patay sa bigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang matandang binata ang natagpuang patay habang nakabitin sa loob ng kanyang pansamantalang tuluyan na ang lupa ay matagal na niyang ipinaglalaban mula sa kanyang pamilya sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni SPO1 Johnny Mahilum, may-hawak ng kaso, ang biktima na si Francisco Miguel, 61, at residente ng 19th Avenue, Brgy. San Roque, Quezon City kung saan nila minana ng kapatid na si Crispin sa  tatay na sundalo ang may 436 square meter na ari-arian.

Ayon kay Mahilum, si Francisco na nanatiling binata at solong nabubuhay ay natagpuang patay ganap na alas-6:45 ng umaga sa isang maliit na tuluyan nito sa  loob ng nasabing compound.  Ang kapatid nitong si Crispin na isa nang bed-ridden, ay naninirahan din sa compound kasama ang kanyang tatlong anak na lalaki at isang babae.

Sabi ni Mahilum, ang biktima ay natagpuang nakabitin sa wooden beam gamit ang  tali na kulay dilaw na nylon cord ng pamangking si Henri Mar Miguel, 38. Dahil hiwalay na sila ng biktima, kahit naninirahan sa isang compound, sinabi ng pamilya ni Crispin na huli nilang nakitang buhay ang una nitong nakaraang Sabado. Sabi pa ng pamilya ni Miguel sa awtoridad, hindi nila alam kung ano ang nagtulak sa biktima para magpakamatay ito.

Samantala,  iniimbestigahan ng pulisya  ang posibilidad na may naganap na foul play sa insidente base sa nakuhang mga sulat kay Francisco.

Ayon sa mga kapitbahay, nitong Lunes ng hapon narinig umano nila si Francisco na nakikipagtalo sa isang tao sa loob ng compound, pero hindi nila batid kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito. Dagdag ni Mahilum, may piraso ng plastic na nakalagay ang mga papel at notebook kasama ang affidavit na nagpapakita na si Francisco at Crispin ang may-ari ng property.

Base sa nakasulat sa notebook na tila ginamit bilang diary, sinabi ni Mahilum na mayroong nagaganap na pagtatalo sa pagitan ni Francisco at ng mga anak ni Crispin hinggil sa malaking ari-arian nila.

vuukle comment

AYON

BRGY

DAGDAG

FRANCISCO MIGUEL

HENRI MAR MIGUEL

JOHNNY MAHILUM

MAHILUM

QUEZON CITY

SABI

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with