^

Metro

Pulis utas sa pinasusuko na adik

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis makaraang mabaril ng pinasusuko nitong drug adik na napaslang naman ng mga naka-back-up na kasamahan, kahapon ng umaga sa Taguig City.

Nagtamo ng tama ng bala buhat sa sarili niyang 9mm service firearm ang biktimang si PO3 Antonio Reyes, nakatalaga sa Sector 6 ng Taguig City Police Station.

Nakilala ang nasawing suspek na si Gene Valdez, 27, binata, obrero, ng Block 12 Lot 23 Sitio Gabihan, Brgy. Tandang Kubo, Tanay, Rizal.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa may Frisco Road, Brgy. Ibayo Tipas, ng naturang lungsod. Unang humingi ng responde ang mga residente sa pulisya dahil sa pagwawala ng suspek na sinasabing dayo lamang sa kanilang lugar.

Agad namang nagtungo ang pulisya sa naturang lugar. 

Mag-isang nilapitan ni Reyes ang suspek na armado ng tubo at pinaki­usapang kumalma habang nakaantabay naman ang mga kasamahan nito ngunit nagtangka umanong manlaban ng suspect.

Pinaputukan umano ni Reyes ang suspek na nadaplisan sa ulo. Sa pag-aakalang wala nang malay, nilapitan ng pulis ang suspek subalit mabilis siyang (pulis) hinampas ng tubo sa ulo ng suspect at bumagsak. Hindi naman agad nakakilos ang mga kasamahan ni Reyes ma­karaang mabilis na ma­agaw ng suspek ang baril nito at paputukan sa ulo.

Dito na gumanti ng putok ang mga kasamahang pulis ni Reyes at binistay ng bala ang suspek na hinihinalang lango sa iligal na droga.  Naisugod pa sa Rizal Medical Center ang pulis na si Reyes ngunit nalagutan din ng hininga.

Patuloy ngayon ang im­bestigasyon ng Taguig City Police sa naturang insidente.

vuukle comment

ANTONIO REYES

BRGY

FRISCO ROAD

GENE VALDEZ

IBAYO TIPAS

REYES

RIZAL MEDICAL CENTER

SITIO GABIHAN

SUSPEK

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with