^

Metro

Sekyu todas sa 2 holdaper

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang security guard, matapos barilin ng isa sa dalawang holdaper makaraang tangkain ng una na labanan ang pag-atake ng mga huli sa binabantayan niyang conveniece store sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Tama ng bala ng baril sa leeg at dibdib ang na­ging dahilan ng pagka­sawi ni Reynaldo Guiatao, 30, binata ng 12 Orion St., Dela Costa Homes II, Bgy. Paligsahan, ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, may-hawak ng kaso, dalawang suspect na armado ng kalibre .9mm na baril ang tinutugaygayan nila sa ngayon, matapos na matangay ang baril ng biktima sa insidente ng tangkang panghoholdap.

Nangyari ang insidente sa may 7-11 Convenience store na matatagpuan sa panulukan ng Quezon Avenue, at Scout Reyes, Brgy. Paligsahan pasado alas-6 ng umaga.

Pumasok ang mga suspect at nagkunwa­ring mga kostumer na tumitingin ng mabibiling produkto. Ilang sandali, napuna ng biktima na nagbunot ng baril ang isa sa mga suspect dahilan para tangkain niyang hu­gutin ang kanyang service firearm para pigilan ito, pero mabilis itong pi­­na­putukan  ng  isa sa mga suspect sa dibdib.

Dito na bumuwal ang biktima, pero bago tulu­yang umalis ang mga sus­pect, kinuha pa ng mga ito ang kanyang service firearm saka muling nilapitan at binaril sa leeg at tumakas.

Sinabi ng cashier na si Nelia Nebrida, nabigo ang mga suspect na mabuksan ang cash register kaya tanging ang baril na lang ng biktima at tina­ngay ng mga ito.

Patuloy ang imbestigas­­yon ng awtoridad sa nasabing insidente. 

 

vuukle comment

DELA COSTA HOMES

NELIA NEBRIDA

ORION ST.

PALIGSAHAN

QUEZON AVENUE

REYNALDO GUIATAO

ROLDAN CORNEJO

SCOUT REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with