^

Metro

Helper nagbaril sa sarili

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na helper ang nagbaril sa sarili matapos nitong agawin ang boga ng isang sekyu sa Tondo, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center  ang biktimang si Rey Penaverde,  ng Yangco St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:40 ng gabi nang maganap  ang insidente sa compound sa Old Torres St., Tondo.

Bago ang insidente, naabutan umano ng isang Alejandro Ariola, 42, security guard sa compound, ang biktima na naghahalungkat sa kanyang locker kaya tinanong ito kung anong kinukuha na sinagot naman ng huli na baka naitago nito ang tools ng isang John sa kanyang locker.

Nabigla na lamang umano si  Ariola nang biglang hablutin ng biktima ang kalibre 38 niyang service firearm at  itinakbo na hinabol ng una  hanggang na nakaakyat  ito sa gate ng  katabing gusali at saka ito nagbaril sa sarili.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng biktima kung bakit ito nagpakamatay at binubusisi rin kung may naganap na foul play.

vuukle comment

ALEJANDRO ARIOLA

ARIOLA

INAALAM

ISANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

OLD TORRES ST.

REY PENAVERDE

YANGCO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with