^

Metro

‘Kristo’ tigok sa sabungan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kilalang kristo sa sa­bungan ang nasawi maka­ra­ang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang naka­istambay sa kanilang lugar sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Marlon Alindog, 30, residente ng no. 11-B Mary Luz St., M. Dela Cruz, ng naturang lung­sod.  Naisugod pa ito sa Pasay City General Hospital ngunit hindi na rin naisalba ng mga manggagamot dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-7:45 ng gabi sa may Tripa De Turla sa may M. Dela Cruz St. 

Ayon sa ilang saksi, bigla na lamang umalingawngaw ang isang putok ng baril at duguang bumagsak si Alindog.

Kaagad rumesponde ang mga tauhan ni P/Sr. Insp. Antonio Sotomayor, hepe ng PCP-5, kung saan nakuha sa lugar ng krimen ang isang basyo ng bala buhat sa kalibre 45 at cellphone na pag-aari ng biktima.

Sinabi ng  kapatid ng biktima na si Maranilla Alindog, 32, madalas umanong makatanggap ng pagbabanta sa buhay ang kanyang kapatid sa cellphone buhat sa hindi kilalang suspect.

Blangko naman ang pulis­ya sa hitsura ng suspect dahil sa walang gustong lumantad na saksi sa krimen dahil sa takot na madamay at sila naman ang balikan ng mga salarin. (Danilo Garcia)

 

vuukle comment

ANTONIO SOTOMAYOR

B MARY LUZ ST.

DANILO GARCIA

DELA CRUZ

DELA CRUZ ST.

MARANILLA ALINDOG

MARLON ALINDOG

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with