^

Metro

56-anyos itinumba dahil sa onsehan sa droga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 56-anyos na lalaki nang barilin ng  kanyang kalugar dahil umano sa onsehan sa droga sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Romeo Lumagbas “alyas Boy Banyo”, 56,  ng Phase 2, Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Michael Ignacio, “alyas Bulag”, ng nabanggit ding barangay.

Ayon  sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng umaga habang nakatambay sa labas ng bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ito.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na lugar, subalit hindi na ito umabot nang buhay. Onsehan sa droga ang isa sa tinitingnang anggulo ng mga pulis dahil sangkot umano sa bentahan ng droga ang nasawi.

 

vuukle comment

AYON

BOY BANYO

BRGY

BULAG

LONGOS

MALABON CITY

MATAPOS

MICHAEL IGNACIO

ROMEO LUMAGBAS

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with