^

Metro

Flying V nagtapyas sa presyo ng petrolyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng panibagong tapyas presyo ang kompanyang Flying V sa kanilang mga produktong petrolyo kaninang hatinggabi.

Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi, nagbawas ng P1.50 kada litro ng presyo ng premium, at unleaded gasoline habang P1.00 naman kada litro ng Biodiesel. Wala namang paggalaw sa presyo ng kanilang regular gasoline at kerosene.

Matatandaan na unang nagtapyas ng kanilang mga produktong petrolyo noong Oktubre 22 ang  halos lahat nang kompanya ng langis ng P0.90 sentimos kada litro ng unleaded gasoline, P0.25 kada litro naman ng kerosene P0.35 sa diesel at P0.40 sentimos naman kada litro ng regular gasoline.

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang iba pang kompanya ng langis na ina­asahang susunod rin sa na­turang rollback.

Base sa pahayag ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada, ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo bunga­ ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

vuukle comment

BIODIESEL

DEPARTMENT OF ENERGY

EPEKTIBO

FLYING V

HABANG

KADA

MATATANDAAN

NAGPATUPAD

OIL INDUSTRY MANAGEMENT BUREAU DIRECTOR ZENAIDA MONSADA

OKTUBRE

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with