^

Metro

Empleyado, tinodas sa loob ng sasakyan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang ang patay matapos na pagba­barilin sa loob ng kanyang sa­sakyan habang naka­tigil ito sa Sta. Ana, Maynila.

Basag ang bungo ni Evelyn Arellano, 49, empleyado ng Stronghold Inc. at residente ng 214-216 Hamsted Sorden, Ipil Bldg., Sta. Mesa, Maynila matapos barilin ng dalawang beses sa ulo habang nakaupo sa loob ng sasakyan.

Namatay ito habang isinusugod sa Lourdes Hospital.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Crispino Ocampo, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-9:20 ng gabi sa may kahabaan ng New Panaderos St., Sta. Ana, Maynila.



Pauwi na umano sa kanyang bahay sa Sta.Mesa ang biktima mula sa kanyang opisina sa Makati at sakay ng kanyang Nissan Urvan na may plakang XLM-963 at minamaneho ng kanyang driver na si Arnulfo Ibañez nang isang lalaki ang lumapit at saka pinapu­tukan ng dalawang ulit ang biktima.



Inilarawan  ang suspect na nasa edad 35, may taas 5’4’’-5’6’’, ma­itim, kulot ang buhok, naka­suot ng itim na t-shirt, short pants at tsinelas.


Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

vuukle comment

ARNULFO IBA

CRISPINO OCAMPO

EVELYN ARELLANO

HAMSTED SORDEN

IPIL BLDG

LOURDES HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NEW PANADEROS ST.

NISSAN URVAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with