^

Metro

Holdaper ng Indian national, timbog

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Himas rehas ngayon ang isa sa dalawang holdaper ng isang trader na Indian national matapos na maaresto sa follow-up ope­ration ng pulisya sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang nadakip na si Marco Torres, 26, ng Pound St., Phase 8, North Fairview; habang tugis naman ang kasama nitong nakilala sa alyas na Empoy.

Si Torres ay nadakip matapos na humingi ng tulong sa PS 5 ang biktimang si Banhadar Banwait, 42.

Nangyari ang insidente sa may Pound St., North Fairview ganap na alas-2:30 ng hapon.

Sinasabing galing sa pangongolekta ng pautang ang biktima at pasakay na sana sa kanyang motorsiklo nang dumating ang mga suspect at bigla itong tutukan ng baril, sabay deklara ng holdap­. Dito ay sinimulang kunin ng mga suspect ang nakolektang pera ng biktima na halagang P8,000 at Samsung cellphone saka nagsipagtakas.

Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na rumesponde sa lugar kung saan naaresto si Torres habang nakatakas naman ang kasamahan nitong si Empoy.

Hindi naman nabawi ng mga awtoridad ang nanakaw na pera at cellphone ng biktima.

vuukle comment

BANHADAR BANWAIT

DITO

EMPOY

HIMAS

MARCO TORRES

NAKILALA

NANGYARI

NORTH FAIRVIEW

POUND ST.

SI TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with