^

Metro

Kelot binoga habang nagte-text

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay makaraang pagbabarilin habang naka­tayo sa isang tindahan at nakikipag-text ng isang salarin sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. Nakilala ang biktima na si Nelson Flores, 39, ng Urban Plata St., Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, isang lalaki na tinatayang nasa edad 20-25, may taas na 5’5’’, nakasuot ng dilaw na t-shirt at maong na short pants at armado ng kalibre .38 na baril ang sinasabing bumaril sa biktima. Nangyari ang insidente sa kanto ng Saint Anthony at Sto. Rosario Sts., Brgy. Holy Spirit sa lungsod, ganap na alas-7:20 ng umaga. Bago nito, nakatayo umano ang biktima sa nasabing lugar at busy sa pagte-text sa kanyang cell phone nang biglang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ito.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktima, habang mabilis na tumakas ang suspect patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Hinala ng pulisya, maaaring love triangle ang motibo ng pagpatay sa biktima makaraang mabatid na may dati umanong kinakasama sa lugar si Flores.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

HINALA

HOLY SPIRIT

ISANG

NAKILALA

NELSON FLORES

ROSARIO STS

SAINT ANTHONY

URBAN PLATA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with