^

Metro

Promdi dinedo ng 3 siga

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Patay ang binatang probinsiyano na kaluluwas lang ng Maynila matapos barilin ng tatlong siga sa kanilang lugar habang nagyoyosi sa tapat ng tinutuluyang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ronilo Tabuso, 23, ng Sabalo St., ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman si alyas Barok at dalawang hindi pa kilalang kasama nito.

Sa imbestigasyon ng Caloocan CIty Police, nabatid na alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente habang nagsisigarilyo sa tapat ng tinutuluyang bahay ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na ospital.

Posible umanong pinagtripan ang biktima ng mga suspect na siga dahil sa dayo sa lugar.

Nabatid na galing probinsiya ang biktima at lumuwas lamang ng Maynila upang maghanap ng trabaho.

vuukle comment

BAROK

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

MATAPOS

MAYNILA

NABATID

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

RONILO TABUSO

SABALO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with