^

Metro

Mister napagtripang barilin, todas

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napatay ang 54-anyos na mister matapos itong mapagtripang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bahagi ng Lakandula Street sa Barangay Sta. Lucia, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Roberto Navasa, may-asawa, ng #6 Marco Polo Street sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni SPO2 Eric Lazo, huling namataang buhay ang biktima na nakatayo sa harap ng Lady Allen Taxi terminal kung saan nagpasya itong maglakad papalayo.

Dito sinundan ang biktima ng dalawang lalaki bago isinagawa ang pamamaril.

Bagama’t sugatan, nagawa pang makatakbo ng biktima pero bumuwal din ito dahil sa matin­ding tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng katawan.

Isinugod sa Quezon City General Hospital bago inilipat sa Philippine General Hospital su­balit idineklarang patay ang biktima

vuukle comment

BAGAMA

BARANGAY STA

ERIC LAZO

LADY ALLEN TAXI

LAKANDULA STREET

MARCO POLO STREET

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

ROBERTO NAVASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with