^

Metro

Holdaper todas sa pulis

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng riding-in-tandem ang namatay matapos na makipaghabulan sa pulis na rumesponde sa isang holdapan sa Vito Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Inilarawan ang suspect na may taas na 5’6, 35-anyos, may tattoo na “Mama Mary” sa kanang tagiliran. Nagtamo ito ng tama ng bala sa kaliwang mukha at kanang tuhod.

Nakatakas naman ang isa pang suspect sakay ng motorsiklo na tinataya ding may edad na 35, may taas na 5’10’’, nakasando ng kulay orange, may tattoo na star sa binti at barbers cut ang buhok.

Nabatid na alas 5:30 ng umaga nang naganap ang habulan sa bahagi ng compound ng FB Harrison Plaza sa Vito Cruz.

Una rito ay hinoldap ng mga suspek si Myra Sadondon, 27, ng Vitas,Tondo, Maynila.

Ang insidente ay inireport sa MPD station 9 kaya agad na rumesponde ang mga pulis na pagdating sa lugar ay namataan ang dalawang suspect na lulan ng Yamaha XRM na walang plaka.Sa halip na huminto ay pinaharurot pa ng mga suspect ang motorsiklo saka nakipagpalitan ng putok ang backride.

Minalas namang ta­maan ng mga pulis ang nagmamanehong suspect na bumagsak sa motorsiklo habang tumakas ang angkas nito. Hindi na nabawi ang kinuhang cellphone at cash ng biktima na hinalang nasa kamay ng nakatakas na suspect.

vuukle comment

HARRISON PLAZA

INILARAWAN

ISANG

MAMA MARY

MAYNILA

MINALAS

MYRA SADONDON

NABATID

NAGTAMO

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with