^

Metro

Nabulabog sa pagtulog, obrero pumatay

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos maingayan isang obrero ang nagawang patayin ang bisita ng kanyang kapit­bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Tugis ngayon ang suspect na kinilalang si Cornelio Borinaga Jr., 28, ng Building 9, 3rd floor Permanent Housing, Balut, Tondo, Maynila na sumaksak at nakapatay sa biktimang si Franciso Castañeda, ng Bldg. 24, Unit 407 Permanent Housing, Balut, bunsod ng tinamong saksak sa tiyan.

Ayon sa report dakong ala- 1:00 ng madaling-araw nang maganap ang pananaksak sa Bldg. 9, 3rd floor Permanent Housing, Balut, Tondo.

Dinalaw lamang umano ng biktima si Reichel Luciano, 20, at sabay silang umakyat sa 3rd floor upang puntahan pa ang isang “Tatay Pepe”.

Malalakas ang katok at pagtawag ng biktima subalit hindi nagising ang sadya kaya nagpasiyang umalis.

Sa pagbaba sa hagdanan, nakasalubong ng dalawa ang galit na suspect at biglang sinuntok ang biktima at kasunod ang pag-unday ng saksak sa tiyan.

Tumakbo pa ang biktima subalit sa tapat ng Building 9, sa ibaba ay bumagsak ito.

Tinangka din umanong saksakin si Luciano ng suspect pero nakalayo ito. Hinihinalang nabulabog ang tulog ng suspect kaya ito nagalit at nanaksak.

vuukle comment

AYON

CORNELIO BORINAGA JR.

DINALAW

FRANCISO CASTA

HINIHINALANG

LUCIANO

MAYNILA

PERMANENT HOUSING

REICHEL LUCIANO

TATAY PEPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with