^

Metro

Senglot pinatay sa inuman

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang  32-anyos na lalaki ang namatay nang resbakan sa inuman ng kanyang dating kaalitan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang  si Fernando Paguia, ng #977 Morong St.,  Tondo habang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na suspect na si Christian Manalili, 22. Nasa kustodiya naman ng pulisya ang kasamahan nitong  si  Rommel Jurado, 21, na isinasailalim sa interogasyon.

Sa ulat ni SPO2 Virgo Villareal, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang nasabing insidente  dakong alas-2 ng madaling-araw, malapit sa bahay ng biktima.

Sa naging salaysay ng boarder ng biktima na si Ryan Gonzales, 26, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan nang dumating sina Manalili at Jurado.

Kinompronta umano ni Manalili ang biktima hanggang sa magkagulo at naawat naman ng mga barangay tanod.

Nang si Jurado naman umano ang umeksena  na nakikipagtalo sa biktima ay tiniyempuhan ni Manalili ng pananaksak ng tatlong ulit kasabay ng pagsasabi ng “Ito matagal na sa akin ’to eh!”, bago tumakas dala ang patalim na ginamit sa krimen.

Naiwan si Jurado na dinakip at dinala sa MPD-Homicide Section, kung saan iniimbestigahan kung dapat din itong papanagutin sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

CHRISTIAN MANALILI

FERNANDO PAGUIA

HOMICIDE SECTION

JURADO

MANALILI

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MORONG ST.

ROMMEL JURADO

RYAN GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with