^

Metro

Rider lasog sa truck

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Hindi nasagip sa kapahamakan ng blue lane o motorcycle lane sa EDSA ang isang rider makaraang masawi nang mabundol ng isang trak na sumakop sa naturang lane, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Patuloy pang kinikilala ng mga awtoridad ang nasa­wing biktima na nakasuot ng asul na jogging pants, puting t-shirt, at light blue na long sleeve shirt. Nabatid na nagkalasug-lasog ang katawan at nadurog ang ulo nito sa naturang insidente.

Nadakip naman ang nakabangga na driver ng flatbed truck (XLR-776) na si Nicolas Cardenas na nahaharap ngayon sa kasong homicide thru reckless imprudence.

Sa inisyal na ulat na inilabas ng Pasay City Police-Traffic Management unit, pasado alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahagi ng EDSA malapit sa Park Ave­nue sa naturang lungsod.

Ayon kay Cardenas, hindi umano niya napansin nang biglang sumulpot sa kanyang hara­pan ang motorsiklong Honda (8922-PU) na minamaneho ng biktima sanhi upang mabangga niya ito. Dito napailalim ang biktima at nakaladkad pa ang motorsiklo ng may 10 metro bago tuluyang nakapreno ang tsuper ng trak.

Sa kabila nang nakasuot ng crash helmet, nabatid na nawasak ito nang magulungan ng trak na dahilan ng agad na kamatayan ng biktima. Nabatid na dinala na ang labi ng biktima sa Rizal Funeral Homes upang dito kilalanin ng kanyang mga kaanak.

vuukle comment

AYON

CARDENAS

DITO

NABATID

NADAKIP

NICOLAS CARDENAS

PARK AVE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE-TRAFFIC MANAGEMENT

RIZAL FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with