^

Metro

Holdaper patay sa kuyog ng taumbayan

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang holdaper nang pagtulungan itong pagpapaluin sa ulo ng mga residente makaraang mangholdap at manaksak kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-the-spot ang suspek na si Arcris Bolido, 25, ng 2nd St., Desierto, Brgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Renier Jacobe, ng Phase 3, Area 3, Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi, malapit sa bahay ng biktimang si Jacobe sa nabanggit na lugar. Napag-alaman na dinalaw si Jacobe ng kasintahang si Jessa Sollaine Kosca at habang naglalakad ito malapit sa bahay ng biktima ay biglang sumulpot ang suspek at nagdeklara ng holdap hanggang sa kinuha ang cellphone at mga pera nito. Nakita naman ni Jacobe ang ginawang panghoholdap sa kanyang girlfriend kaya’t kaagad niya itong sinaklolohan, subalit inundayan siya ng saksak ng suspect.

Dito na humingi ng tulong ang duguang biktima sa kanyang mga kalugar hanggang sa nagkaisa ang mga residente at hinabol nila ang papatakas na si Bolido. Nang maabutan, dito na ito kinuyog at pinagtulung-tulungang bugbugin at paluin sa ulo dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, si Jacobe naman ay mabilis na isinugod sa nabanggit na ospital.

vuukle comment

ARCRIS BOLIDO

AYON

BOLIDO

BRGY

DESIERTO

DITO

JESSA SOLLAINE KOSCA

JOSE REYES MEDICAL CENTER

MALABON CITY

RENIER JACOBE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with