^

Metro

Bebot inutas, itinapon sa ilog

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang saplot pang-itaas at may hiwa pa sa kaliwang tenga ang isang babae na nakitang palutang-lutang sa  Estero de Arlegui, kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Maynila.

Inilarawan ang biktima  na nasa edad 45-50, may taas na 5’1’’-5’3’’, may tattoo nq agila sa kaliwang bahagi ng dibdib,   kayumanggi  at nakasuot ng kulay gray na leggings.

Sa ulat  ni SPO2 Virgo Villareal, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:45 ng hapon nang  mamataan ng mga residente ang lumulutang na bangkay ng biktima. Hinatak ito patungo sa  gilid ng estero at ipinagbigay-alam sa Barangay  384, Zone 39.

Hinihinalang hindi pa nagtatagal na pinatay ang biktima nang ito ay matagpuan dahil mapula o sariwa pa ang bangkay.

Wala umanong nakakakilala sa biktima sa lugar na pinaniniwalaang dumayo lamang. 

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para kilalanin ang biktima at tukuyin ang motibo sa krimen. Inilagak ang  bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ARLEGUI

BIKTIMA

ESTERO

HINATAK

HINIHINALANG

INILAGAK

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ST. YVAN FUNERAL HOMES

VIRGO VILLAREAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with