^

Metro

Bangkay ng paslit natagpuan sa QC

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang naagnas na bangkay ng anim na taong gulang na batang lalaki na umano’y biktima ng pagkalunod sa nakaraang pagbaha ang natagpuang palutang-lutang sa ilog malapit sa Bagong Silangan sa lungsod Quezon kahapon.

Kinilala ang biktima na si Ronel Carson, ng Clemencia St, Barangay Bagong Silangan sa lungsod.

Si Carson ay iniulat na nawala noong August 7 sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan makaraang makabitaw sa pagkakahawak sa kanyang nanay habang nire-rescue sakay ng isang life boat sa Clemencia st., sa naturang barangay.

Sinasabing August 7, ganap na ala-1 ng hapon nang malunod ang bata sa Clemencia st., habang pilit na inililigtas sa malakas na agos ng tubig at makabitaw.

Ayon sa Department of Public Order and Safety (DPOS), ang biktima ay kasama sa siyam katao na ni-rescue sa nasabing lugar sakay ng life boat, subalit tumagilid at tumaob ang sasakyan makaraang iwasan nito ang kuryente.

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANGAN

BARANGAY BAGONG SILANGAN

CLEMENCIA

CLEMENCIA ST

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

ISANG

RONEL CARSON

SI CARSON

SINASABING AUGUST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with