^

Metro

Sanggol itinapon sa basurahan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tila isang laruan lamang na itinapon ang isang buhay na sanggol na nakita sa tambak na basura kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Agad na isinugod sa San Juan de Dios Hospital ang pitong buwang gulang na sanggol at pilit na isinalba ang buhay nito ngunit nalagutan rin ng hininga dakong alas-9:52 ng gabi.

Sa ulat ng Pasay City Police, natagpuan dakong alas-9:35 ng gabi ni Mars Sevilla, ng Baclaran, Parañaque City ang sanggol nang marinig ang pag-iyak nito sa tumpok ng basura sa kahabaan ng Quirino Avenue, Parañaque.

Agad na dinampot ni Sevilla ang sanggol at nagpatulong na dalhin ito sa pagamutan ngunit nasawi rin dahil sa tindi ng lamig na dinanas nito dahil sa ulan at kagat ng mga insekto at daga.

Nakalagak naman ang labi ng naturang sanggol sa morgue ng naturang pagamutan habang nagsasagawa ng pagtatanong ang pulisya sa naturang lugar upang mabatid kung sino ang magulang ng naturang sanggol.

vuukle comment

BACLARAN

DIOS HOSPITAL

MARS SEVILLA

NAKALAGAK

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

QUIRINO AVENUE

SAN JUAN

SANGGOL

SEVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with