^

Metro

Ginilitang bebot kilala na; nobyo pangunahing suspect

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tukoy na ng mga operatiba ang pagkakakilanlan sa babaeng natagpuang patay at halos maputol ang leeg dahil sa pagkakagilit dito, gayundin ang suspect sa nasabing pamamaslang, ayon sa Quezon City Police District kahapon. Ang biktima ay kinilalang si Leonora Magbanua, 37, ng Block 66, Lot 29, Riyal St., Phase 8, North Fairview, sa lungsod.

Sinabi ni QCPD director General Mario O. Dela Vega, natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa kanyang dating asawa na si Delmond Magbanua na kumilala sa bangkay nito sa San Rafael Funeral Homes. Maaalalang isang bangkay ng hindi natukoy na babae na halos humiwalay ang ulo mula sa kanyang katawan ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Mindanao Avenue Extension harap ng Neo Auto Depot, Brgy. Pasong Putik noong July 17, ganap na alas-7:15 ng umaga.

Bago ito, pasado alas-9 ng gabi ng July 16, ay may namataan ng mga residente sa lugar ng isang kahina-hinalang sasakyan na pumarada dito at may tila ginagahasang babae na humihingi ng tulong. Ayon kay Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection unit ng QCPD, base sa testimonya ng dating asawa ng biktima na si Delmon Magbanua, tinukoy nito ang pangunahing suspect na si Romulo M. Lim, kasintahan ng biktima na naninirahan sa Wayan St., Brgy. Masambong.

Sabi ni Delmon, bago ang insidente nitong July 17, ganap na alas-7 ng gabi, ay nakita niya ang biktima na nakasuot ng kulay brown na sleeveless shirt at denim pants na tila may hinihintay sa may Petron Station sa North Fairview. Dito ay tinanong umano ni Delmon ang biktima kung saan pupunta at su­ma­got umano ang huli na susunduin siya ng boyfriend na si Lim.

Dahil dito, iniwan na ni Delmon ang dating asawa, pero hindi pa siya nakakalayo ay nakita niya ang isang kulay pulang Pajero (ZEJ-773) na pumara sa harap ni Leonora sakay si Lim at isinakay si Leonora saka umalis patungo sa Quezon City circle.

Sinabi pa ni Delmon, dalawang araw bago ang huling pagkikita nila ng dating asawa ay nakausap niya ito at nagtapat sa kanya na binabantaan siyang patayin ng boyfriend na si Lim kapag nalaman ng huli na may affair siya sa ibang lalaki.

Ibinilin din umano kay Delmon ng biktima na kapag may nangyaring masama sa kanya ay walang ibang gagawa kundi ang suspect na si Lim. Sa kasalukuyan, sinampahan na ng kasong murder ng QCPD sa piskalya si Lim habang patuloy ang pagtugis na ginagawa nila dito.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION

DELA VEGA

DELMON

DELMON MAGBANUA

DELMOND MAGBANUA

GENERAL MARIO O

NORTH FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with