^

Metro

Rape-slay victim, isinako

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nabubulok na ang bangkay ng isang babae na walang saplot sa katawan at nakalaylay ang dila dahil sa pagkapulupot ng electrical cord sa leeg saka inilagay sa sako nang matagpuan sa isang eskinita sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Aminado si SPO2 Virgo Villareal, ng Manila Police District-Homicide Section na nahihirapan silang ilarawan ang biktima dahil sa nasa advance state of decomposition na ito, maliban pa sa walang damit na ma­aaring pagbatayan ng kaanak upang ito ay kilalanin. Gayunman, nilarawan ito sa edad na 20-25; nasa 5 talampakan ang taas; at maikli ang buhok.

Dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang madiskubre ng isang Bony Rosalez, residente sa lugar ang isang sako na ina­kalang naglalaman ng mabahong basura sa isang eskinita sa Capulong sa Sta. Ana, Maynila.

Batay sa inisyal na pagsusuri, po­sibleng ginahasa ang biktima dahil sa nakitang likido na lumalabas sa ari nito bago pa ito binigti gamit ang 19 inches na electrical cord.

Hindi umano bababa sa 5 araw nang patay ang bik­tima dahil sa kondisyon ng bangkay na nangingitim at maga na.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente para matukoy ang pagkaka­kilanlan ng biktima at madakip ang mga salarin.

vuukle comment

AMINADO

BATAY

BONY ROSALEZ

CAPULONG

DAKONG

GAYUNMAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABUBULOK

VIRGO VILLAREAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with