^

Metro

Holdaper kulong sa matapang na dalaga

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang kilabot na holdaper makaraang lakas-loob na labanan ng isang dalaga at agad na nakahingi ng tulong sa pulisya, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakilala ang na­dakip na holdaper na si Jonathan Medina, 25, ng Sitio 6 Brgy. Catmon, Malabon City habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tumakas nitong kasama.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang panghoholdap dakong alas-2 ng mada­ling araw habang mag-isang naglalakad na pauwi ang biktimang si Marivic Sanchez sa may Benin St., sa may Monumento.

Agad umanong tinutukan ng patalim ng mga salarin ang biktima at sapilitang kinuha ang bag nito na naglalaman ng pera, cellphone at iba pang mahalagang gamit bago agad na tumakas matapos pagbantaan na tuluyang sasaksakin kapag humingi ng tulong.

Hindi naman nagpatalo sa takot si Sanchez na agad na tumakbo sa isang nakaparadang police mobile car at humingi ng responde. Agad namang hinabol ng mga pulis ang dalawang suspect na naghiwalay ngunit nasukol ang suspect na si Medina.

Nanawagan naman ang pulisya sa iba pang biktima ng panghoholdap sa Mo­numento na magtungo sa kanilang istasyon upang kilalanin ang suspect at sampahan pa ng kaukulang kaso.

vuukle comment

BENIN ST.

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CATMON

JONATHAN MEDINA

KULUNGAN

MALABON CITY

MARIVIC SANCHEZ

MONUMENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with