PISTON magkokontra demanda sa pulisya sa karahasan sa SONA

Manila, Philippines - Handa ang militanteng transport group na Pinagka­isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na magsampa ng kontra demanda laban sa QC police kaugnay ng naganap na karahasan sa SONA ni Pangulong Noynoy Aquino noong Lunes.

Ito ayon kay Piston President Goerge San Mateo ay dahil nabasa niya sa isang pahayagan na kakasuhan siya ng QC police kasama ang ibang militant group leaders dahil sa naganap na gulo sa nagdaang SONA ni PNoy.

Binigyang diin ni San Mateo na kalapastanganan at hindi katanggap tanggap ang pahayag ng pulisya na ang mga nagprotestang tsuper at militante ang may kasalanan kung bakit naganap ang karahasan sa Commonwealth Avenue noong ikatlong SONA ni Pangulong Aquino kundi dapat ang managot dito ay ang pulisya dahil ayaw nilang kilalanin ang Batas Pambansa 880.

Sinabi ni San Mateo, makikipag- ugnayan siya sa National Union of Peoples Lawyers at kukumpletuhin ang mga ebidensiya bilang pangdepensa na kanilang hanap bago maisampa ang counter charge.

Show comments