^

Metro

Ex-mayor itinumba sa loob ng bahay

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang dating alkalde sa isang bayan sa lalawigan ng Western Samar ang nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspect habang nasa loob ng kanyang bahay sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.    

Dead on the spot si Cons­tancio Pacanan Jr. 51, da­ting alkalde ng bayan ng Motiong  Western  Samar  at  pansamantalang  naninirahan  sa  # 30  Carrot  St, Blk - 38  Welfareville  Compound,  Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa mukha at katawan.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ngayon ng pulisya upang matukoy ang dalawang suspect na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Ayon sa report ng Mandaluyong police, naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-11 ng gabi sa loob mismo ng bahay nito.

Kasalukuyang nagpapa­hinga ang biktima sa loob ng kanyang tahanan nang pasukin ng mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ito at nang matiyak na patay na ito ay mabilis silang tumakas sakay ng isang motorsiklo na hindi na­kuha ang plaka.

Ang biktima ay nagsilbing Mayor ng bayan ng Motiong, Samar noong taong 2004 hanggang 2007.

Nagsasagawa ngayon ng malalimang imbestigasyon ang mga tauhan ng Manda­luyong police para mabatid kung may kinalaman sa pulitika ang ginawang pamamaril at pagpatay sa biktima dahil napabalitang muli itong kakandidato sa kanilang lugar.

vuukle comment

ADDITION HILLS

AYON

ISANG

MANDALUYONG CITY

MOTIONG

PACANAN JR.

SAMAR

WESTERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with