^

Metro

Holdaper utas sa shootout

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang holdaper na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad matapos makaengkuwentro ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib ang suspect na kinilalang si Alvin Ramirez, 20, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng Lico St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Det. Ronald Gallo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Rizal Ave., at Samal St., Sta. Cruz.

Sa pahayag ng ilang opis­yal ng ba­rangay sa lugar, bago ang engkwentro, dakong alas-9:40 ng gabi nang magkaroon umano ng habulan sa pagitan ng tatlong holdaper na magkakaangkas umano sa isang motorsiklo at mga opisyal at tanod ng Barangay 208 Zone 12, sa reklamong panghoholdap sa isang 22-anyos na call center agent na kinilalang si Ghileen Simbulan Alacon.

Subalit bigo ang mga tanod­ at opisyal ng barangay na masukol ang mga suspect.

Habang nakatambay sa barangay hall ang mga nanghabol, mahigit 15 minuto pa lamang ang nakalipas nang makarinig ng putukan at nang alamin ay nakita ang mga pulis na sinasabing humabol din sa mga suspect.

Si Ramirez ang tinamaan sa gitna ng pagpapalitan ng putok, habang iniwan naman ito ng dalawa niyang kasamahan na tumakas lulan ng motorsiklo. Positibong kinilala ng bik­tima na isa ang suspect sa nang­holdap sa kanya.

vuukle comment

ALVIN RAMIREZ

CRUZ

GHILEEN SIMBULAN ALACON

LICO ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

RIZAL AVE

RONALD GALLO

SAMAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with