^

Metro

5 miyembro ng 'Pikit gang', timbog

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Limang miyembro ng grupong tinaguriang “Pikit Gang” na nambibiktima sa mga pampasaherong bus at jeep ang nasakote ng mga tauhan ng Pasay City Police matapos na biktimahin ang mga pasahero ng isang jeep, kahapon ng madaling-araw sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga nadakip na sina Manolet Viernes, 24; Ramil Otazao, 19; Ro­lando Magbintang, 27, driver; Jeckly Bacud, at Luis Ferrer Ngo, 32, pawang residente ng Kalaanan, Caloocan City.

Sinampahan na ang mga ito ng kasong robbery ng mga biktimang sina Sharmaine Reyes at Andrea Santos, kapwa­ call center agent.

Nabatid na nagpapatrulya ang mga pulis dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang mamataan ang kaguluhan na nagaganap sa loob ng isang pampasaherong jeep (TWX-572) sa panulukan ng EDSA Extension at F.B. Harrison Street.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang paligiran ng mga pulis sanhi ng kanilang pagkakadakip. Modus-operandi umano ng grupo na magpapanggap na pasahero at kapag nagdeklara na ng holdap ay papipikitin ang mga binibiktima upang hindi sila makilala. Kapag may hitsura umano ang babaeng biktima ay momolestiyahin pa muna ang mga ito.

vuukle comment

ANDREA SANTOS

CALOOCAN CITY

HARRISON STREET

JECKLY BACUD

LUIS FERRER NGO

MANOLET VIERNES

PASAY CITY POLICE

PIKIT GANG

RAMIL OTAZAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with