^

Metro

2 pulis-Maynila inireklamo ng pangongotong

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines -  Pormal  na naghain ng reklamo ang isang anak ng miyembro ng Philippine Air Force (PAF) sa Manila Police District-General Assignment Section bunsod ng pangongotong ng dalawang pulis na naka-off duty ng halagang P1,000 habang sakay sila ng taxi sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Matapos makotongan, dumiretso sa MPD headquarters ang biktimang si Jerome Viana, 28, empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at  re­sidente ng P53-1015 St.Villamor Airbase, Pasay City at pinuntahan ang tanggapan ng Mobile Unit kung saan nakatalaga ang mga suspect na sina SPO2 Joseph Asucro at PO3 Rio Reyes.

Nagulat pa umano ang dalawang pulis nang makita ang presensiya ng biktima.

Sa reklamong  inihain kay  SPO3 James Poso,  ang insidente ay naganap dakong alas-2:46 ng madaling-araw sa north-bound lane ng Road 10 Tondo kung saan sinita ng dalawang suspect ang taxi na sinasakyan ng biktima dahil sa overloading.

Hindi umano ang taxi driver ang kinuwestiyon at sa halip ay siya at apat niyang kasama sa taxi ang tinakot na kakasuhang overloading at bagansiya.

Bagamat nagpakilala si Viana na anak ng PAF, hiningan umano siya ng P2,000 ng dalawang suspect na nauwi sa tawad niyang­  P1,000.

Sa beripikasyon, ang duty lamang ng da­lawa ay mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi at nangangahulugang hindi na naka-duty ang dalawa nang maganap ang diumano’y pangongotong.

JAMES POSO JEROME VIANA JOSEPH ASUCRO MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION MOBILE UNIT NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT PASAY CITY PHILIPPINE AIR FORCE RIO REYES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with