^

Rider biniyak ang ulo

- Ni Mer Layson () - June 1, 2012 - 12:00am

Manila, Philippines -  Mistulang buko na biniyak ang ulo ng isang rider makaraang mapagkamalan ng isang guwardya na magnanakaw ito sa isang pa­tahian sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang bik­tima na kinilalang si Froilan­ Sarmiento, 28, ng City Deli­very sa Makati City at naninirahan sa #1133 Interior F. Antonio St., Brgy. Bambang, Pasig City.

Sumuko sa mga awto­ridad ang suspek na si Ni­colas Portal, 50, may-asawa, ng Gregorio Sualog David Security Agency at naka­talaga bilang guwardya sa Crismer­ Inc., isang patahian sa P. Alvarez St., Brgy. Bambang ng nasabing lungsod.

Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa loob ng binabantayang patahian ni Portal.

Sa testimonya ng guwar­dya, nagising siya na nasa loob na ng patahian ang bik­tima at inambaan umano siya ng itak at sinabihan na baril ang kanyang kailangan.

Nanlaban umano siya hanggang maagaw nito ang itak at doon pinagtataga ang biktima kung saan ay nabiyak ang ulo at halos matanggal ang braso nito.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang tunay na dahilan ng krimen.

ALVAREZ ST. ANTONIO ST. BAMBANG BRGY CITY DELI GREGORIO SUALOG DAVID SECURITY AGENCY INTERIOR F MAKATI CITY PASIG CITY SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with