^

Tandem nangholdap na, nang-rape pa

- Ni Mer Layson () - May 31, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Matapos manloob sa isang tahanan at mangholdap ay ginahasa pa ang isang dalagita ng da­la­wang lalaki na riding-in-tandem sa Marikina City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Florabel Colupano, 36, ama nitong si Fermin, 64 , residente ng Scarlet St., SSS Village, Concepcion Dos, Rico Hernandez, 46, driver.

Sa ulat, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-9:00 ng umaga sa bahay ng mga Colupano kung saan ay dumating ang Starex van na minamaneho ni Hernandez na may lamang mga pagkain para sa mga guro ng Roosevelt College, San Mateo na nagdadaos ng seminar kung saan si Florabel ang nag-aasikaso.

Biglang dumating ang mga suspek at tinutukan ng baril ang mga tao sa loob ng bahay bago ikinulong sa isang kuwarto at saka ginahasa ang isang dalagita. Matapos ang panghahalay ay tinangay din ng mga suspek ang pera, alahas at iba pang gamit ng mga biktima at mabilis na tumakas.

BIGLANG CONCEPCION DOS FLORABEL COLUPANO MARIKINA CITY MATAPOS RICO HERNANDEZ ROOSEVELT COLLEGE SAN MATEO SCARLET ST.
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with