^

Buntis timbog sa panghoholdap

- Ni Mer Layson () - May 31, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inaresto ang isang buntis matapos na hol­dapin nito ang isang kahera at nanakot pa na mag­papasabog ng bomba sa isang foodchain sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang inarestong buntis na si Carol Legazpi, 23, tubong Mindoro at pansamantalang nanunuluyan sa Block 39 Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills sa lungsod.

Si Legaspi ay dinakip dahil umano sa panghoholdap nito kay Zyra Apigo, 21, dalaga, cashier ng isang fastfood chain at nakatira sa Blk. 28 Sitio Lumbak Creekside, Taytay Rizal.

Base sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa biktima sa loob ng cashier both na matatagpuan sa Boni Ave., Brgy. Barangka Mandaluyong City.

Inaasikaso umano ng biktima ang tatlong kostumer nang mapansin nito ang suspek na pabalik-balik at kakaiba ang kilos.

Nilapitan umano ng biktima ang suspek at tinanong kung ano ang order nito ngunit hindi umano sumagot, at nang matapos ang tatlong kostumer ay bigla na lamang lumapit ang suspek at nagdeklara ng holdap.

Agad namang nakahingi ng tulong ang biktima sa iba pa niyang kasama sa trabaho kaya nadakip ang buntis.

ADDITION HILLS BARANGKA MANDALUYONG CITY BONI AVE BRGY CAROL LEGAZPI MANDALUYONG CITY SI LEGASPI SITIO LUMBAK CREEKSIDE TAYTAY RIZAL WELFAREVILLE COMPOUND
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with