^

Metro

Trader inutas sa loob ng bahay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang junkshop owner at presidente ng isang homeowners association matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang una ay kumakain ng almusal kahapon ng umaga sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Ernesto Gulfo, alyas Militar, 52, ng Gov. Pascual Avenue, Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod. Dead on arrival ito sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre 45 na baril sa dibdib.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek at nagsasagawa pa ng follow-up laban dito.

Naganap ang insidente dakong alas-7:10 ng umaga habang ang biktima ay kumakain ng almusal sa loob ng kanyang bahay nang duma­ting ang sus­pek at walang sabi-sabing pagbabarilin ito.

Matapos ang insidente ay parang walang nangyaring tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan suba­lit hindi na rin ito umabot ng buhay.

vuukle comment

BRGY

CATMON

ERNESTO GULFO

INAALAM

KINILALA

MALABON CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MATAPOS

NAGANAP

PASCUAL AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with