^

Metro

Beterinarya nagbigti

- Ni Danilo­ Garcia -

Manila, Philippines -  Iniimbestigahan ng pu­lisya kung sadyang nagbigti ang isang dalagang beterinarya makaraang matagpuang wala nang buhay na nakabitin sa loob ng kanyang silid, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Delia Belle Tubo, 32, ng Building 2-B, Unit 306 NHA Housing, Merville, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-11:20 ng gabi nang madiskubre ang sinasa­bing pagpapatiwakal ng dalaga ng kanyang pinsan na si Alex Rosales, 40; at misis nitong si Cristine.

Ayon kay Rosales, galing sila sa pamamasyal sa isang mall nang umuwi sa naturang unit na kanilang pinaghahatian. Dito nila nabungaran ang biktima sa kuwarto nito na nakabigti gamit ang isang nylon cord.

Wala namang alam si Rosales na mabigat na prob­lemang dinadala ni Tubo dahil sa hindi naman ito nagsa­sabi sa kanilang mag-asawa.

vuukle comment

ALEX ROSALES

AYON

CRISTINE

DELIA BELLE TUBO

DITO

INIIMBESTIGAHAN

MERVILLE

NAKILALA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

TUBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with