^

Rookie cop utas sa parak

- Ni Mer Layson () - May 27, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Utas ang isang bagi­tong parak makaraang makipagbarilan sa kapwa nito pulis nang ito ay sitahin kama­kalawa ng gabi sa EDSA, Mandaluyong City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Camp Crame Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si PO1 Leo Antiporda, 31, may-asawa, nakatalaga sa Regional Police Holding Adminis­tration Unit (RPHAU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay Senior Supt. Armando Bolalin, hepe ng Mandaluyong City police, ang insidente ay naganap dakong alas-8:05 ng gabi sa north-bound lane ng EDSA sa tapat ng isang mall sa lungsod.

Nabatid na nagsasagawa umano ng surveillance operation ang mga tauhan ng Regional Intel­ligence Unit-National Ca­pital Region (RIU-NCR) na pinamumunuan ni Chief Insp. Cesar Cal­mada hinggil sa reklamong kanilang natanggap na dalawa umanong PNP personnel ang nagsi­silbing protektor ng mga mandurukot at holdaper sa naturang lugar.

Habang nasa isang tagong lugar ang grupo ni Calmada nang maispatan nila si PO1 Antiporda ka­sama ang isa pang pulis na sakay ng isang motorsiklo na may kausap at tila may inabot umanong pera sa kanya ang isang hinihinalang holdaper sa lugar.

Nilapitan umano ng grupo ni Calmada ang dalawang pulis pero agad umanong bumunot ng baril ang biktima at nagpaputok ng kanyang service firearm at mabilis na pinaharurot ang sinasakyang motorsiklo.

Hinabol sila at gumanti ng putok ang iba pang ta­uhan ni Calmada na nag­resulta ng pagkamatay ng biktima habang nakatakas ang kasama nito.

ARMANDO BOLALIN CALMADA CAMP CRAME HOSPITAL CESAR CAL CHIEF INSP LEO ANTIPORDA MANDALUYONG CITY NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE REGIONAL INTEL SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with