^

Metro

Swindler ng celebrities, tiklo ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nadakip na ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang matagal nang pinaghaha­nap na babaeng swindler na naka­pambiktima sa maybahay ni Senator Tito Sotto na si Helen Gamboa at isa pang celebrity hair stylist ng tinatayang P15-milyong halaga ng mga alahas.

Kahapon ay iniharap sa media ni NBI officer in charge Atty. Nonnatus Cesar Rojas ang naarestong suspect na si Francesca Lim Santiago, 40, ng BF Homes, Parañaque City, habang   pinaghahanap pa ang asawa nitong si Benjamin Lacson Santiago, 40, alyas “Benjo”.

Batay sa report, modus umano ng mag-asawang suspect na kaibiganin ang kanilang bibiktimahin, na ina­akala nilang may mga alahas­. Kasunod nito ay bibilhan nila ng alahas at babayaran sa pamama­gitan ng tseke.

Kapag nakuha na ang loob ay hindi na umano good check ang matatanggap ng mga biktima at kung magsitalbog na umano ang tseke ay saka na magtatago si Francesca at ang mister naman ay nagkukun­waring nakikipagtulungan sa mga awtoridad.

Umabot ang natangay na halaga ng alahas mula kay Gamboa ng P8-mil­yon habang nasa P7-milyon umano sa celebrity hair stylis­t­ na si Eric Pe Benito at milyun-milyong halaga pa sa ibang nabiktima.

Hindi na umano inakala ni Gamboa na masusukol pa ang nasabing swindler na noon pang 2006 kinasuhan.

vuukle comment

BATAY

BENJAMIN LACSON SANTIAGO

ERIC PE BENITO

FRANCESCA LIM SANTIAGO

GAMBOA

HELEN GAMBOA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NONNATUS CESAR ROJAS

SENATOR TITO SOTTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with