^

Metro

Concert ni Lady Gaga walang nalabag - Pasay City govt.

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Walang naging problema sa isinagawang unang bahagi ng konsyerto ng Pop Diva na si Lady Gaga kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inihayag ni Pasay City Mayor­ Antonino Calixto na walang ginawang paglabag sa ibinigay nilang permit sa mga pro­ducers at international singing star sa unang gabi ng konsyerto.

Wala rin namang naging problema sa seguridad ng naturang concert at maging sa daloy ng trapiko ngunit hindi pa rin kampante si Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes na patuloy na maglalagay ng sapat na tauhan sa loob ng concert arena at sa bisinidad nito.

Sinabi ni Reyes na dumis­tansya sa mismong venue ng concert ang mga ‘Anti-Lady Gaga’ na nagsagawa ng mahinahon naman na protesta at tinapos nang maayos at matahimik ang kanilang pagkilos.

Kaugnay nito, nagtalaga pa rin ng 21 miyembro ng monitoring team ang pamahalaang lungsod ng Pasay sa 2nd night ng concert ni Lady Gaga kagabi.

Binigyang-diin pa ni Calixto na hindi nila maaaring supilin ang ‘freedom of expression’ ng mga nais manood ng concert ni Lady Gaga sa pamamagitan ng pagsusuot ng sari-saring “outfit” at paghahayag ng kanilang sa­loobin patungkol sa kanilang idolo.

vuukle comment

ANTI-LADY GAGA

ANTONINO CALIXTO

BINIGYANG

LADY GAGA

MALL OF ASIA ARENA

MELCHOR REYES

PASAY CITY

PASAY CITY MAYOR

PASAY CITY POLICE

POP DIVA

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with