^

Metro

'Parak' namaril: 3 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo katao, kabilang ang isang tatlong buwang gulang na buntis ang sugatan sa walang habas na pagpapaputok ng baril ng isa umanong lalaking lasing na nagpakilalang pulis sa Barangay Soccoro, lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Raymond dela Rosa, 27; Nicanor Balbuena, 34; at Mary Michelle Vidal, 23; pawang mga residente sa nasabing barangay sa lungsod.

Si dela Rosa ay nagtamo ng tama ng bala sa leeg, habang si Balbuena naman ay nagtamo ng sugat sa kanang pisngi. Si Vidal ay nagtamo naman ng gasgas sa hita.

Naganap ang insidente sa may Liberty Avenue corner 14 Arty, Brgy. Soccoro, Cubao ganap na alas-11 ng gabi.

Lumilitaw na bago ang insidente, isa sa kasamahan ng suspect ang lasing at nakikipagtalo kay Dela Rosa sa lugar dahilan para lapitan ito ng ilang residente at mauwi sa gulo.

Sa puntong ito, nagpasyang umalis ang naturang suspect pero nahuli siya ng ilang istambay, dahilan para sumaklolo ang kasamahan nitong may dalang baril at walang habas na nagpaputok kung saan tinamaan ang nasabing mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspect sakay ng tig-isang motorsiklo papalayo sa lugar.

Patuloy ang follow-up operation ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BALBUENA

BARANGAY SOCCORO

BRGY

CUBAO

DELA ROSA

KINILALA

LIBERTY AVENUE

MARY MICHELLE VIDAL

NICANOR BALBUENA

SI VIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with