^

Metro

Granada pinasabog: 5 nasapol

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sugatan ang lima katao matapos na hagisan ng granada ang loob ng isang restaurant habang kumakain ang mga biktima kama­kalawa ng gabi sa Sta. Cruz Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Ashley Salas, 28, waitress; Gina Bautista, 35, waitress; Renard Lorejo, 22; Razil Bolongan, 19, at Clarissa­ Paraiso, 18.        

Hindi naman nakilala ang suspect na naghagis ng granada na mabilis na tumakas.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 3, dakong alas-11:30 ng ha­tinggabi nang maganap ang insidente sa Sunbeam Res­taurant, Videoke Bar sa Quezon Blvd., malapit sa C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na nagsisilbi umano sa kanilang mga kostumer ang waitress nang napansin ng mga ito na tila may naghagis ng bagay na kung saan paglapag nito sa sahig ay bigla na lamang sumabog.

Matapos ang pagsabog ay dito na nakita ang mga biktima na sugatan kung kaya mabilis na isinugod sa nasabing mga pagamutan upang malapatan ng lunas.

Nabatid naman sa MPD-Bomb Squad, na isang MK2 fragmentation granade ang inihagis na bomba sa na­sabing restaurant.

Kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng suspect na naghagis ng bomba at motibo.

vuukle comment

ASHLEY SALAS

BOMB SQUAD

CRUZ MAYNILA

GINA BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-POLICE STATION

NABATID

QUEZON BLVD

RAZIL BOLONGAN

RECTO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with