^

Metro

2 carjacker todas sa shootout

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Dalawang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng carjacking gang ang napaslang sa shootout habang isa pa ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­sawing suspect base sa nakuhang identification card sa mga ito na sina Fortunato Bien at Lester Leroy.

Arestado naman ang isa pa na si Mark Anthony Flores na napilitang itaas ang kanyang mga kamay bilang tanda ng pagsuko matapos makorner ng mga elemento ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Generoso Cerbo Jr., naganap ang insidente sa panulukan ng Protacio at Camia St., bandang alas-8:30 ng gabi sa naturang lungsod .

Kasalukuyang nagsasagawa ng anti-carjacking operatives ang Southern Police District sa pamumuno ni Supt.Rizalino Padrique na nakipag-deal sa mga suspek na bibili ng behikulong ibinebenta ng mga ito sa murang halaga.

Gayunman, nang makahalata ang mga suspek na mga parak ang kanilang ka-deal ay agad bumunot ng baril ang mga ito pero naging mabilis ang mga pulis kung saan nagkaroon ng ilang minutong shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Wala namang nasugatan sa panig ng mga awtoridad sa nasabing operasyon, ayon pa kay Cerbo.

Narekober mula sa mga suspect ang isang kulay pulang Chevrolet Captiva van (ZLP 132 ), Yamaha Nuovo motorcycle ( 1998-PE), isang 12 gauge shotgun, isang .38 paltik revolver, sari-saring uri ng mga bala, hindi pa madeterminang halaga ng shabu at drivers license na nasa pangalan ng isang Rommel Canlas .

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga awtoridad sa kasong ito.  

vuukle comment

CAMIA ST.

CHEVROLET CAPTIVA

FORTUNATO BIEN

GENEROSO CERBO JR.

LESTER LEROY

MARK ANTHONY FLORES

PASAY CITY

RIZALINO PADRIQUE

ROMMEL CANLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with