^

Holdaper nang-hostage para iwas aresto

- Ni Mer Layson () - May 11, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Upang matakasan ang mga pulis na umaaresto sa kanya ay pumasok sa isang bahay at saka hinostage ng isang kilabot na miyembro ng robbery hold-up gang ang isang pamilya kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Fayo, 32, binata, residente ng Blk. 28, Mabuhay Homes, Brgy. Pantok, Binangonan, Rizal.

Hindi naman nasaktan ang mga hinostage na sina Ricardo Cruz, 46, asawang si Vivian at ang 17-anyos na si Cristine, pawang residente ng Ramos Cmpd. Brgy. Rosario Pasig City.

Ayon sa report, ang hostage drama ay nagsimula dakong alas-10:00 ng gabi kung saan ay nakatakdang ihain ng pulis Pasig ang apat na warrant of arrest laban sa suspek.

Tumakas umano ito at pumasok sa bukas na bahay ng mga biktima at saka hinostage ang pamilya gamit ang kalibre .45 baril. Tumagal ng apat na oras ang negosasyon kung saan sumuko ang suspek ganap na alas-2:00 ng madaling-araw.

AYON BINANGONAN BRGY CRISTINE JEFFREY FAYO MABUHAY HOMES PASIG CITY RAMOS CMPD RICARDO CRUZ ROSARIO PASIG CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with