^

Metro

Delivery boy natusta sa sunog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 41-anyos na delivery boy ang nasawi sa sunog na naganap sa pagawaan ng furnitures sa panulukan ng Buenavidez St.  at C.M. Recto Ave.  sa Sta.  Cruz, Maynila,  kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si  Nicasio Pason, stay-in, sa factory na matatagpuan sa #1303 C.M. Recto cor. Buenavidez St., Sta. Cruz.

Ayon kay SFO2 Emmanuel Gaspar,  ng  Manila Fire Department, nakulong sa apoy ang biktimang si Pason, nang sumiklab ang apoy dakong ala-1:56 ng madaling-araw.

Sinasabing nakalabas na ng factory ang mga trabahador at si Pason nang bumalik ang huli upang isalba ang kanyang mga gamit. Dahil sa gawa sa light materials naging mabilis ang paglaki at pagkalat  ng apoy.

Bandang 3:36 ng madaling-araw nang ideklarang fire out ang sunog na umabot sa ika-apat na alarma at  tinatayang nasa P1milyon ang halaga ng natupok.

Sa inisyal na impormasyon, posibleng sa electric overload ang sanhi ng sunog, bagamat hindi pa kumpirmado dahil patuloy pa ang pagsisiyasat.

vuukle comment

AYON

BANDANG

BUENAVIDEZ ST.

CRUZ

EMMANUEL GASPAR

MANILA FIRE DEPARTMENT

NICASIO PASON

PASON

RECTO AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with